“The Chair” o “Ang Upuan”.  Hindi ito tula, kwento, kanta o malalim na anekdota. Sa katunayan, hindi ito ang  tunay na paksa ng aming leksyon sa  Fil 11 ngayong nagdaang Huwebes. Ito ay isang konsepto na ginamit ng aming guro sa pagtalakay ng kahulugan ng aming aralin, Panitikan.

Noong simula, akala ko na napaka “gasgas” na ng paksang Panitikan, sa punto na akala ko parang sirang-plaka at pare-pareho ang magiging kahulugan nito katulad ng mga aming unang natutunan noong elementarya at hayskul. Ngunit katulad ng mga kasabihan, nabibigo ka minsan sa mga maling akala.

Aking ikinagulat (sa mabuting paraan) ang naging takbo ng aming pagtatalakay dahil sa mga pagsama ng ideolohiya at  nina Aristoteles at Platon. Kada mahalagang salita na binigay bilang aming interpretasyon ng kahulugan nga Panitikan ay naipaliwanag nang napakahusay at nakapapanibago kumpara sa mga dating paraan noong nakaraang taon.

Ginamit ang ideolohiyang “ideal” at halimbawa nito ang chair o upuan sa maraming paraan na parang mapapalaro ang isip, karunungan, at pangangatwiran. Binigyang-diin ang mga katagang “MIMESIS”.Sinasabi na ang Panitikan ay “mimetic” na repleksyon ng pamumuhay. At bukod rito, may napakamalalim at malawak na pagtatalakay tungkol sa mga ideal at mimesis, kung saan bahagi ang mga pag-iisip nila Aristoteles at Platon, ngunit- medyo di ko mahanap ang akmang mga salita upang mahusay ulit ito mailahad rito. (Paumanhin HAHA)

Nabigla at natuwa ako sa naging takbo ng klase dahil tila isang “breath of fresh air” ang uri ng pagtatalakay ng asignaturang Filipino. Maaring nahumaling ako dahil  sa tradisyunal na “spoonfeeding” na pagtuturo na aking nakasanayan at kinalakihan. Ngunit isa nanaman ata ito sa marami pang pagbabago sa buhay-kolehiyo na aking tinatahak at nakakasanayan ngayon. Ito ang unang diskusyon namin at nagustuhan ko na, sa simple at luma pa na aralin. Paano pa kaya sa mga darating na paksa? Bukas na pag-iisip at pagkamulat sa mga bagong matututunan ang mga susundin ko sa aking pag-aaral ng kursong Filipino 11. //

THE CHAIR

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: