Isang Sulyap sa MUTYA

Mga Santong Tao. Ang Sistema ni Propesor Tuko (sorry, it’s Tee-you-kow).

Ito ang dalawang mahusay na pagtatanghal ng “Mutya” ng ENTABLADO na aking ikinagulat at ikinagalak na labis kong nagustuhan nang aking panoorin noong nakaraang linggo. Nang papalapit ang petsa ng papanood nito,  nasa-isip ko lamang na gagabihin ako ng pag-uwi, gagastos ako, required ito, at may gagawin kaming pagninilay ukol dito kaya kailangan na din na bigyang pansin at halaga.

Subalit nang mapanood ko ang mga dulang ito, naramdaman ko ang kakaibang paghanga sa galing at husay ng ENTA. Naitawid ang mensahe sa pamamagitan ng isang kwela, medyo malaswa (hehe), at nakakaaliw na paraan. Di matawaran ang lakas ng halakhak at dami ng ngiti sa mga manonood, lalo na ako. Bihira lang ako matawa nang ganoon sa isang pagtatanghal at nauunawaan din ang kwento nito.

Binigyang-diin ng unang dulang, “Mga Santong Tao” ang temang katiwalian at kawalan ng moral ng mga taong-simbahan at opisyal ng gobyerno na karaniwang ihinahalintulad sa sitwasyon noong panahon ng Kastila. Masasabing tradisyunal ang tema nito, gayun din sa ibang aspekto ng naratibo. Ang tula ay gumamit ng mga matalinhaga at mga malalalim na salita na isang indikasyon ng pagka-tradisyunal ng istruktura nito. Kung tutuusin, medyo mahirap maintindihan ang ibang mga salita at linyang binibigkas ng mga tauhan dahil hindi ito karaniwan na Filipino na ginagamit sa mga usapan at “casual” na pagkakataon sa kasalukuyan. Makulay at nakaka-nosebleed (bilang popular na termino) ang karamihan ngunit nakakatuwa din naman ito.

Ang kapanahunang isinabuhay ay noong pananakop ng Kastila, kung saan ang mag-aasawang Titay at Ambrosio ay naghihirap kaya makakaisip si Titay ng paraan para magkapera sila. Ang panloloko sa 3 alagad ng simbahan at gobyerno: ang kura, sakristan-mayor, at piskal. Ginamit ni Titay ang pangako ng sensual na pagnanasa ng tatlo upang makakuha ng pera, ngunit binigo niya lamang sila at pinahiya pa. Ipinapakita ang mensahe na sinasabing anumalya, katiwalian ng mga alagad ng simbahan at gobyerno sa panahon ng Kastila. Isa itopagsalamin sa realidad noong matagal na panahon na naghahari ang tiwali at huwad sa simbahan at gobyerno, mapagsamantala at mapang-abuso.

Samantala, sa “Ang Sistema ni Propesor Tuko,” binigyang-pansin ang pagbatikos sa bulok na sistema ng edukasyon. Masasabi ito ay moderno dahil sa tema ng pagbabago o pagtuwid sa makaluma at di na akmang paraan ng pagtuturo ng tradisyunal na “terror teacher” na si Prop. Tuko.  Ipinabatid ang menshaheng ang pagbukas ng isim, pagtanggap sa pagbabago, at pagkaroon ng pag-galang at mabuting relasyon sa mga estudyante. Ang disenyo ng entanlado ay puno ng basura na sumisimbolo sa pagka-bulok na sistema na karaniwang tinatanggap at umiiral ngayon. Gamit ang apat na mag-aaral sa dula, ipinakita ang kakayahan ng kabataan na makagawa ng pagbabago kahit sa simpleng paraan sa kanilang lipunan. Naaayon  ang modernong ideya at kaisipan ng problema ng edukasyon, at naghihimok ito na umaksyon para maisaayos ang bulok, at manaig ang pagbabagong nagsisimula sa kabataan ng kasalukuyan.

Mahusay na naiparating ng pagtatanghal ang simpleng, ngunit makabuluhan na kwento, mensahe at layunin ng dula. Umaasa ako sa galing at kakayahan ng mga kabataang Atenista na ipagpatuloy ang pagpahalaga at paglaganap sa sining at kultura ng bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: