Usapang Tradisyunal: Bayanihan

Maaring napakapamilyar para Bayanihansa ating mga Pilipino ang diwa ng larawang ito. Ang “bayanihan” na isang bahagi ng ating kultura na masasabing makaluma o tradisyunal, dahil sa panahong nagsimula ito. Ang konsepto ng pagbabayanihan ay ang sama-samang pagtutulungan ng mga magkakapitbahay o mga magkakabaranggay sa pagbuhat at karaniwang paglipat ng isang bahay, na noon ay kubo na gawa sa nipa at iba pang magagaan na materyales,  ng kanilang kasamahan patungo sa isang bagong pwesto.

Sinasalamin ng tradisyong ito ang pagkakabuklod-buklod at mapayapang pagsasama at sistema ng tulungan sa isang pamayanan. Likas na matulungin at may malasakit sa kapwa ang mga Pilipino na nagpapalakas ng kaisipang ideyal na pamumuhay noon. Hindi mapagkakaila na ang mga Pilipino ay may pagpapahalaga sa isang lipunang may pagtutulungan at pagkakapit-bisig sa mga panahon ng kaginhawaan at kahirapan. May kaakibat na responsibilidad sa kapwa ang pagiging Pilipino na isa nang manipestasyon hanggang sa mga kapanahunan ngayo

Kahit na hindi na kapareho ng kubo at pagbubuhat nito ang pamumuhay ngayon, ang diwa ng bayanihan ay isa pa ring pangunahing tradisyon at identidad ng mga mamamayan ng bansa. Sa pagtulong sa mga nangangailangan, na mas naipamalas sa mga nagdaang kalamidad, makikitang buhay parin ang bayanihan. Sa paglipas ng panahon, ang mga tradisyon tulad nito ay unti-unting nababago at naiaakma sa panahon, ngunit ang kabutihan at intensyon nito ay nagiging mas versatibo at dinamiko. Isang patunay na ang bayanihan ng bayang Pilipinas ay magpapatuloy sa pag-iral nito sa ating mga buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: