LAKING IMPLUWENSIYA ng METANARRATIVES (LIMSANITY EDITION)

Sadyang di na maiiwasan na maapektuhan at mamuhay ang mga tao nang ayon sa mga maraming metanarratives na nakapalibot sa post-modernong panitikan sa lipunan. Ito ang mga kaisipang hinuhubog ng mga karanasan, kasaysayan, at kaalaman na maaring di na akma sa panahon o di makatarungang representasyon ng mga narratibo/konseptong iyon. Ihahayag sa ibaba ang ilang mga metanarratives na sa kasamaang palad minsan ay nagdidirekta sa prinsipyo at pagpapahalagang personal sa aking buhay. Mga Laking Impluwensiya  ng Metanarratives, handog ng laging matapang na batas ng Maynila, si Mayor Fred Lim. Begin the LIMSANITY!

Image

LIM # 1: ANG IMPORTANTE SA GAMIT AY ANG BRAND!

Kahit na may kamahalan at lubos na pag-ooverprice sa ilang pagkakataon, tinatangkilik ng marami (kung saan isa na ako dun) sa mga signature brands. Sinasabing ang kakayahan ng indibidwal na makabili at magmay-ari ng mga branded na gamit ay isang dagdag sa appeal, so-called “confidence” (sa katunayan, yabang) kagandahan/kagwapuhan, at estado sa lipunan. Maluho man kung minsan, ay sinisikap ko na ang mga brand na aking tinatangkilik ay rasonable ang halaga, at maganda ang kaildad at hitsura, walang pagmamalabis ng mga hindi kayang bayaran o hindi naman “worth the peso.”

LIM # 2: ANG GRADES SA PAG-AARAL ANG SUKATAN SA KINABUKASAN!

Malamang isa ito sa mga ideyolohiya o motto ng kabataan (at minsan mas lalo ng kanilang mga magulang) na isinabubuhay at pinaninindigan sa ilang henerasyon mula noon hanggang ngayon. Ako mismo ay isa sa naniniwala na ang  pagpunyagi sa pag-aaral ay isang indikasyon at malaking hakbang sa mga nais makamit. Ngunit di maiiwasan ng mga di-gaanong nagtatagumpay sa kanilang marka na mawalan ng loob o masamain ng maraming tao sa lipunan. Ang metanarrative na ito ay may katotohanan din, ngunit hindi ito ang tanging sukatan ng pag-asenso sa kinabukasan. Kaakibat nito ang sipag, tiyaga, sakripisyo, diskarte, at tiwala sa abilidad ng sarili.

LIM # 3: ANG MGA PAUNANG IMPRESYON SA MGA ATENISTA, (MULA SA ARRENEO!)

Panghuli naman ang isang mas mababaw at katuwaan na metanarrative, ang mga imresyon sa mga Atenista. At ang totoo diyan, noong ako ay high school pa, isa ako sa mga may paniniwala at pag-stereotype sa mga kolehiyo at unibersidad, lalo na bago ako makapasok sa aking dream school na Ateneo. Sabihin man na maaarte, mayayaman, maporma, mayabang, at parang like conyo, you know?, di talaga maiiwasan ang mga pagtingin nito. Okey, maaring totoo nga ang mga karamihan nito (pero di naman lahat ay ganito hehe), at isa na ito sa nagbibigay ng identidad sa bawat paaralan, ngunit dapat higit sa mga stereotype na ito, hindi maiisawalang-bahala o kakaligtaan ang mga abilidad ng isang Atenista. May kakayahang intelektwal, abilidad sa sining at palakasan, at kapasidad na maging magaling na ehemplo ay mamamayan na tutulong sa pag-asenso ng bansa. One Big Fight!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: